Sagot Sa Tanong Na “Bakit Dapat Pahalagahan Ang Katutubo”?
BAKID DAPAT PAHALAGAHAN ANG KATUTUBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit mahalaga ang ating mga katutubo at ang mga halimbawa nito.
Una sa lahat, ating munang alamin kung sino ang ating mga katutubo. Ang mga katutubong mamamayan ay pangkat ng taong nakapagpanatili ng kanilang tradisyunal na paraan ng pamumuhay mula pa sa henerasyon hanggang henerason. Sila rin ay ating matatawag na IP o “Indigenous People”.
Ating tandaan na ang katutubong kultura at tradisyon ay ang paraan ng pamumuhay na nabubuhay pa rin sa kabila ng pagsakop at impluwensya ng modern at dominanteng kultura sa mga katutubong pamayanan.
Ang mga kultura at tradisyon na ito ay mahalaga dahil ito ay nagpapakita ng kolektibong pamana ng mga katutubo sa marami pang henerasyon, lalo na sa pananaw sa lupa. Bukod dito, ang pagbibigay halaga sa lupa ay bumubuhay at nagiging rason ng makulay na tradisyon ng mga katutubo.
Ang mga sayaw, yaring-kamay, kwentong bayan, at iba pang uri ng sining ay parte ng kasaysayan ng Pilipinas. Dahil dito, dapat nating itong bigyang halaga dahil nga malaking bahagi ito ng ating kultura.
Sa pamamagitan nito, ating makikita ang ating katangiang pansarilan. Ito ang nagbibigay sa atin ng paalala na ang mga Pilipino ay natatangi sa ibang bansa at ibang kultura.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Komunikasyon Sa Isang Indibidwal