Heto Ang Halimbawa Ng Tekstong Persweysib At Kahulugan Nito
TEKSTONG PERSWEYSIB – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tekstong persweysib at ang mga halimbawa nito.
Ang tekstong persuweysib ay naglalayong makapangumbisi o manghikayat sa tagapakinig, manonood, o mambabasa. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla. Ang tono ng tekstong ito ay sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ediya.
May tatlong pangunahing elemento ng paghihikayat. Ito ang Ethos, Pathos, at Logos.
- Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.
- Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa
- Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon
Heto ang mga halimbawa ng gingamit na instrumento ng tekstong persweysib sa pang-aakit ng madla:
1. Name Calling
Ang name calling ay ang pagsasabi ng masama tungkol sa isang tao, bagay, o ideya para maipakitang mas maganda ang sinusuportahan mo at para mailayo ang mga tao sa ideya ng kalaban. Ang halimbawa nito ay ang pagsisira sa kredibilidad ng isang kanditato sa kalaban niya sa eleksyon.
2. Glittering Generalities
Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag. Sa isang patalastas ni James Reid ating makikita na kahit ano man ang sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong ginagamit niya ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.
3. Transfer
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto. Halimbawa nito ay ang pag paggamit ng mga sikat na personalidad upang i promote ang isang produkto.
4. Testimonial
Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto. Halimbawa nito ay sa mga patalastas tungkol sa toothpaste na nagsasabi na rekomendado ito ng mga dentista.
5. Plain Folks
Ang uri ng paghihikayat na ito ay gumagamit ng mga ordinaryong tao para ipakita at makuha ang tiwala ng madla na katulad din nila. Halimbawa nito ay ang isang kanditato na nag susuot ng ordinaryong damit para ipakita na galing din ito sa mahirap.
6. Bandwagon
Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo. Halimbawa nito ang pagsasabi na lahat ng tao ay gumagamit ng produkto at ikaw na lang ang hindi.
7. Card Stacking
Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Alamat Ng Baguio Buod At Gintong Aral Ng Kwento