Paano Ba Gumawa Ng Isang Talambuhay Tungkol Sa Sarili?
TALAMBUHAY TUNGKOL SA SARILI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba gumawa ng talambuhay tungkol sa sarili.
Kahit na ikaw ay isang estudyante pa lamang o kaya’y may trabaho na at pamilya, maaari ka pa ring gumawa ng isang talambuhay. Maraming paraan ang puwede nating magamit upang sumulat ng isang talambuhay.
Pero, lahat sila ay may parehong tema – ang buhay mo. Sa pamamagitan ng isang talambuhay, nabibigyan mo ng pansariling naratibo ang mga pangyayaring naganap sa buhay mo, ang mga pagsubok, at kung paano mo ito na gampanan.

Maaari tayong magsimula sa iyong pangalan, sino ka ba, at ano ang ginagawa mo ngayon sa buhay mo? Eto ang ilan lamang sa mga tanong na maaari mong sagutin sa unang bahagi ng iyong talambuhay.
Halimbawa:
Ako si Peter, Isang estudyante sa kolehiyo, ako’y anak ng isang guro at police at pangarap ko na maging isang Enhinyero. Maraming pagsubok ang dumaan sa aming pamilya, pero dahil mahal namin ang isa’t-isa, nalampasan namin lahat.
Bukod dito, posible rin tayong gumamit ng isang paksa tungkol sa iyong sarili na maaari nating bigyan ng pokus sa talambuhay. Sa halimbawang ito, gagamitin natin ang pagiging estudyanye sa kolehiyo ni Peter.
Mahirap ang kolehiyo, lalo na sa isang katulad ko. Hindi ako ganun ka talino kung i kumpara sa iba kong kaklase. Pero, hindi ito naging hadlang sa akin sa pag-aaral ng mabuti. Sabi nga nila, “hard work beats talent”, at gusto ko itong patunayan.
Kasunod nito, puwede nating bigyan pansin ang mga karanasan ni Peter at ang mga pagsubok nito sa kolehiyo at iba pang pangyayari. Pagkatapos, ang katapusan ng ating talambuhay ay nararapat lamang na magkaroon ng isang aral na posibleng maging ehemplo para sa susunod na henerasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Pagiging Makabayan – Halimbawa At Iba Pa
Paano gumawa
PAano gumawa nang talambuhay
pa Tulongan po
ako si Nestor califlores ngtrabaho dati construction worker dahil s pakikisama q s mag tao pinasok aq Ng varnish painter s hotel shangrila.aq Po Isang single dad ngsolo s Isang bording dahil merun kmi n hnd ngakaintindihan kapatid dahil namatay asking magulang ung Pera namakoha nmin Tau sn nmin simpleng Bahay kmi pinalayas Ng mga pinsan in tinitrahan nmin ung Pera n un Ewan kong San na nolagay sinabihan aq tamad aq mag aral kht hnd aq nakatapng Ng high school marunong aq makisama s maga tao kaya porsige aq aply Ng abroad pero hnd nakapasa hnd aq marunong mg English norid no right aq gsto ko lng matopad ung bago namatay Ang nanay may sariling Bahay dgya Ng mga akptid ko my sariling Bahay mahirap talga ung hnd nakapag aral laitin k lng kapatid m kanyakanya kmi Ng sariling Bahay wl aq maopamalaki sakanila kc hnd aq nakapgtapos hnd ko kaya matopad ung cinabi Ng mama ko bago namatay ito n idol wamos sn mabasa m to salamat