Ano Ang Kamalayan? – Kahulugan At Halimbawa Ng Kamalayan

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kamalayan”?

KAMALAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang “kamalayan” at ang mga halimbawa nito.

Ating makikita sa salitang “kamalayan” ang salitang ugat na “malay“. Ang kahulugan ng salitang ito ay ang ating “kaalaman” tungkol sa isang bagay o paksa. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “awareness”.

Ano Ang Kamalayan? – Kahulugan At Halimbawa Ng Kamalayan

Sa panahon ngayon, maraming mga isyu na dapat nating bigyang pansin. Subalit, kung tayo ay walang kamalayan tungkol sa mga nagaganap na pangyayari, hindi tayo makakagawa ng isang matalino na ideya o opinyon tungkol sa mga isyung ito.

Halimbawa, kung pag-uusapan natin ang isyu ng Pandemya, may mga tao na walang kamalayan sa kung gaano ka delikado ang sakit na ito. Kaya naman, dapat nating tulungan ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagbigay ng tamang impormasyon at kaalaman tungkol dito.

Heto pa ang ibang halimbawa ng paggamit ng Kamalayan sa pangungusap:

  • Lumawak ang kamalayan ni Peter sa mga pangyayari sa Pilipinas matapos nitong manood ng isang dokyu-series tungkol sa bansa.
  • Kailangan nating maintindihan kung ano nga ba ang dahilan kung at kahulugan kung bakit walang kamalayan ang ibang tao tungkol sa mga mahahalagang isyu.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Saknong At Taludtod – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment