Tinig Ng Ligaw Na Gansa Buod At Gintong Aral Nito

Heto Ang Buod Ng Tinig Ng Ligaw Na Gansa At Gintong Aral Ng Kwento

TINIG NG LIGAW NA GANSA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang isang uri ng panitikan na matatagpuan sa Egypt.

Ang kwentong ito ay tinatawag na lirikong pastoral ng mga taong galing sa Egypt o bansang Ehipto. Parte ang tulang ito sa dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang tao. Ito ay naglalarawan sa isang simpleng pamumuhay sa gitna ng isang sibilisasyong lumalago at umuunlad.

Tinig Ng Ligaw Na Gansa Buod At Gintong Aral Nito

Sa panahong ito, ang Egypt ay dumaraan sa isang malaking pagbabago at modernisasyon. Isang malaking patunay ang tula na taos-puso ang pagpapahalaga ng mga taga Ehipto sa buhay ng tao. Heto ang buong tula.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,

hindi ako makaalpas.
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina’y anong masasabi?
Sa araw-araw ako’y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag.

Gintong aral ng tula:

  1. Maging mapanuri sa pag ibig
  2. Maghintay sa pagdating ng tamang pag ibig

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Komunikasyong Pang Masa Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment