Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Monopolyo?”
MONOPOLYO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang kahulugan ng ng Monopolyo at ang mga halimbawa nito.
Sa isang merkado, maraming mga produkto at serbisyo ang maaaring pagpilian ng isang tagapagbili. Subalit, kung isa lamang ang nagbebenta ng isang serbisyo o produkto, mayroon itong “monopolyo” sa produkto o serbisyong binebenta.
Dahil walang ka kompetensya ang isang monopolyo, libre lamang sila sa pagtaas o pagbaba ng mga presyo ng kanilang produkto o serbisyo. Pero, kadalsan, malaki ang kita ng negosyong ito dahil sila lamang ang pinupuntahan ng mga tao.
Halimbawa ng monopolyo
- Meralco – tagapagbigay ng kuryente sa Metro Manila
- Sugar industry – panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos
- Coconut industry – panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos
- Media industry – panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos
Para sa mga konsumer, masama ang pagkakaroon ng monopolyo dahil walang pagpipilian sa serbisyo. Isa pa, walang magagawa ang mga tao sa pagtaas ng presyo ng produkto dahil walang pupuntahang iba ang mga tao.
Dati, mayroong Monopolyo ang PLDT sa industriya ng Telecommunications. Pero, sa pagdating ng mga ka kompetensiya katulad ng Globe at Smart, napilitan silang pagbutihin ang kanilang serbisyo at pababain ang presyo ng serbisyo nila.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Impormal Na Sektor Halimbawa – Kahulugan At Iba Pa