Kay Selya Maikling Buod (Mga Saknong Sa Florante At Laura)

Heto Ang Maikling Buod Ng “Kay Selya” Ng Florante At Laura

FLORANTE AT LAURA – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng kwentong “Kay Selya” sa Florante at Laura.

Ang kwentong ito ay isinulat ni Francisco Baltazar y de la Cruz o mas kilala bilang si Francisco Balagtas. Ito ay naglalaman ng iba’t-ibang mga kwento sa perspektibo ng iba’t-ibang mga tauhan.

Kay Selya Maikling Buod (Mga Saknong Sa Florante At Laura)

Sa unang mga saknong ng “Pag-aalay kay Selya”, tinatanong ni Balagtas kung ano ang nangyari sa kanyang dating minahal. Iniisip niya na baka nalimutan na ni Selya ang kanilang pag-iibgian.

Ang pag-iisip na ito ay siyang nagdulot ng labis na kalungkutan kay Balagtas. Pero iginigiit naman ni Balagtas na hindi niya nakalimutan ang pagmamahalang iyon.

Aniya, mananatili sa kanyang puso ang pag-ibig niya kay Selya habambuhay. Inaalala niya ang kanilang pinagpasiyalan noong sila ay magkasintahan pa, at nang si Selya ay nagkasakit.

Ang “Florante at Laura” ang isa sa pinakakilalang gawang pampanitikan. Ito ay isinulat bilang isang awit. Ito ay may apat na linya kada stanza.

Halimbawa ng iba pang katangian:

  • apat na linya kada stanza;
  • sandosenang pantig bawat linya;
  • isang assonantal rhyme planong AAAA
  • isang caesura o hinto pagkatapos ng ika-anim na pantig;
  • bawat stanza ay kadalasang isang kompletong pangungusap na may tamang gramatika; at
  • bawat stanza ay may tayutay

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Isang Dipang Langit Kahulugan At Aral Na Makukuha

Leave a Comment