Ano Ang Aral At Kahulugan Ng Tulang “Isang Dipang Langit”?
ISANG DIPANG LANGIT KAHULUGAN – Ang tulang ito ay isinulat ni Amado Hernandez at maaaring isalin sa Ingles na “A Piece of Heaven”.
Isinulat ito ni Hernandez sa Muntinlupa noong Abril 22, 1952. Ang tulang ito ay nagsasalaysay sa mga karanasan ng mga taong nakulang. Ito rin ay nagpapakita ng mga pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw nilang buhay.
Tinatalakay rin nito ang mga tema ng pagdurusa. Ito’y dahil sa pagtukoy ng kanyang mga karanasan na kanyang ipinahayag habang nasa loob ng kulungan. Bukod sa lahat, ito ay nagpapakita ng hangarin ng pagkalaya. Heto ang buong tula:
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
BASAHIN RIN: Tradisyunal Na Ekonomiya Halimbawa At Kahulugan
None
MAsakit sa puso pag ikay nakulong lalo na pag alam mo wla kang kasalanan!!nginit ang pagpatawad ang siyang nagpagaan ng hinanakit subalit si Amang may ang biyayang handang inigay at ikaw ang hinintay!!buong pusong tanggapin at hayaan nlang!!sa kabilang banda lahat naman tayo mamatay!!kita kita nlang