Ano Ang Mga Halimbawa Ng Kasabihan Tungkol Sa Edukasyon? (Sagot)
KASABIHAN SA EDUKASYON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa edukasyon at kahulugan nito.
Alam naman natin lahat na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero, tandaan natin na ang isang mabuting edukasyon ay malaking bahagi ng buhay ng isang bata. Ito ang magiging pundasyon para sa isa magandang kinabukasan.
Ngunit, sa panahon ng teknolohiya, marami na ang nagsasabing hindi na ganun ka importante ang edukasyon. Mas na eenganyo ngayon ang kabataan dahil sa dami ng pwedeng gawin gamit ang teknolohiya. Subalit, tandaan natin na may mga kasabihan tungkol sa edukasyon na pwede nating ituro sa mga bata.
Heto ang mga halimbawa:
- Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
- Karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
- Ang lakas ay daig ng paraan.
- Isip ay patalasin parang itak, sa hasa tumatalas.
- Ang karunungan ay kayamanan gamitin sa kaunlaran.
- Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
- Panahon ay ating samantalahin, dahil ginto ang kahambing.
- Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
- Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
- Mag-aral ng mabuti upang buhay ay mapabuti.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Isyung Moral Sa Buhay Halimbawa At Kahulugan Nito