Ano Ang Pang Abay Na Pamanahon? (Sagot)
PANG ABAY PAMANAHON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng pang abay na pamanahon at ang mga halimbawa nito.
Ang isang pang-abay o “Adverb” sa Ingles ay bahagi ng ating pananalita na palagi nating ginagamit. Pero, kadalasan, hindi natin nalalaman na ginagamit na pala natin ang mga ito.

Ito ay nagbibigay turing o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nitong mga pang-abay. Maraming klase ng pang-abay, pero sa pasksang ito, ating tatalakayin ang pang-abay na pamanahon.
Heto ang mga halimbawa:
- kahapon
- kanina
- araw-araw
- kagabi
- bukas
- ngayon
- mamaya
- noon
- tuwing umaga, tanghali, hapon o gabi
- taun-taon
Gamit nito sa pangungusap:
- Pumunta kahapon sina mama at papa galing Cavite.
- Si tatay ay pumunta kanina sa lungsod para mamalengke.
- Araw-araw akong nagbabasa ng aking mga module.
- Nanood ako kagabi ng paborito kong Korean Drama.
- Aalis na bukas si Peter patungong Bacolod.
- Pupunta kami ngayon sa parke.
- Si Eva ay mamamasyal mamaya sa MOA.
- Uso na noon ang paggamit ng ballpen.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ano Ang Banghay Halimbawa At Ang Kahulugan Nito
Salamat Po at mas maintindihan ko Ang salitangbpang abay (adverb sa english)