Tula Para Sa Magulang Halimbawa At Kahulugan Nito

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tula Para Sa Magulang At Kahulugan Nito

TULA SA MAGULANG – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang mga halimbawa ng tula para sa magulang.

Alam nating lahat na ang ating mga magulang ay ang mga pinakamahalagang tao sa ating buhay. Sila’y nagaalaga sa atin at nagbibigay gabay sa ating mga problema.

Tula Para Sa Magulang Halimbawa At Kahulugan Nito

Kahit na ika’y tumanda na at may sarili nang buhay, ang mga payo at gabay nila ay maaaring manatili pa rin hanggang sa susunod na mga henerasyon. Malaking pasasalamat ang ating dapat ibigay sa kanila. Heto ang mga halimbawa ng mga tula tungkol dito:

PASASALAMAT SA AKING MAGULANG | Joey Ann De Cadiz

Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula Pangalawa sa diyos na siyang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal,hinubog ng inyong kalinga

Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro
Mula ng akoy iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol saki’y totoo
Pagmamahal ninyo nagsilbing lakas ko

Akoy tinuruan ng magandang asal
Kahit na mahirap akoy pinag-aral
Upang di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo ini-alay

Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap koy unti-unting natutupad
Itoy bunga ng nyong dakilang paglingap
Sa king pusoy walang hanggang pasasalamat.

Pagkalinga ng Magulang | Laurence B. Reyes

Saking pag unlad baon ang inyong aral
Bilang papuri at sa inyo ay parangal
Ang walang katapusang pasasalamat
Ang pag ibig at karangalan ang dapat.

Sa aking pagmulat sa mundo ng kaligayahan
Kayo ang aking lagging nadadamhan
Sa aking paglaki dama pa rin ang aruga
Hindi ko makalimutan ang pagmamahal at aruga

Sa pag aaruga at pag aalaga
Sa pag ibig at iyong pagkalinga
Sadyang tinakda ng ating kapalaran
Patungo lamang sa tuwid na daan.

Ang pagbibigay ng natatanging aral
Ang inyong anak ay nabusog sa pangaral
Ang inyong pag ibig na para sa akin
Tanging kabutihan ang nais hatid.

Naging daan patungo sa kabutihan
Naging daan ng pag ibig sa tahanan
Kayo ang pundasyon, mabuting samahan
Maraming salamat sa pagmamahal.

Para sa aking Mahal na Magulang | Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.

Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro
Mula ng ako’y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa ‘ki’y totoo
Pagmamahal ninyo’y nagsilbing lakas ko.

Ako’y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap ako’y pinag-aral
Upang ‘di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.

Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko’y unti-unting natutupad
Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap
Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat.

BASAHIN RIN: Pantangi At Pambalana Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment