Pokus Ng Pandiwa Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito

Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Ng Pokus Ng Pandiwa? (Sagot)

POKUS NG PANDIWA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na pokus ng pandiwa at ang mga halimbawa nito.

Una sa lahat, ating munang alamin kung ano ang tinatawag na pokus ng pandiwa. Pero, bago natin maintindihan kung ano ito, kailangan muna nating alamin kung ano ang “pokus” sa kontekstong ito.

Pokus Ng Pandiwa Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito

Ang Pokus ang tawag sarelasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng isang pangungusap. Ito’y naisasalarawan sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa. Kaya naman, nabibigyan ng pokus ang pandiwa ayon sa mga nagaganap sa pusisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap.

Heto ang mga halimbawa ng Pokus ng Pandiwa:

Pokus sa Tagaganap:

  • Ang mga Pinoy ay nag-rally para sa kanilang mga karapatan sa labas ng Malacañang.  
  • Libo- libong tao ang pumunta sa simbahan para magdasal sa kaayusan ng administrasyon ng bansa.

Pokus sa layon:

  • Ang mga karapatan ay ipinaglaban at ipinrotesta ng mga Pinoy sa labas ng Malacañang.
  • Ang pagkakaroon ng maayos na administrasyon ay ipinagdasal ng libo- libong tao.

 Pokus sa ganapan:

  • Sa labas ng palasyo, pinagprotestahan ng mga Pinoy ang kanilang mga karapatan.
  • Ang komunidad ng mga Lumad ay pinupuntahan ng mga kabataan para paglingkuran ang masang Pilipino.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Replektibong Sanaysay Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment