Ano Ang Mga Halimbawa Ng Talumpati Tungkol Sa Droga? (Sagot)
TALUMPATI TUNGKOL SA DROGA – Sa paksang ito, magbibigay kami ng iba’t-ibang halimbawa ng mga talumpati patungkol sa droga at ang mga epekto nito.
Ang paglaganap ng illegal na droga sa Pilipinas ay isa sa pinakamabigat na problema sa ating komunidad. Dahil dito, maraming buhay ang nasisira, maraming pamilya ang nagkawatak-watak, at marami na rin ang mamatay dahil dito.
Heto na ang mga halimbawa ng Talumpati Tunkol Sa Droga:
“DROGA” (Talumpati) | Patricia Mae V. Manese
Ilan na ang mga kabataang nakikita nating halos patapon na ang buhay?
Mga kabataang hindi lang ang kanilang kinabukasan ang sinisira pati narin ang kanilang pag iisip. Mga kabataang naligaw na ang landas at napunta sa madilim na mundo. Mga kabataang lapitin na gulo, impluwensya ng droga.
Alam ko na hindi lang ako ang nakakakita ng tulad nila. Alam ko na nararamdaman niyo rin ang nararamdaman ko. Nalulungkot at nanghihinayang. Nalulungkot para sa kanila at higit sa lahat sa kanilang mga magulang. Nanghihinayang na sana at may maganda silang kinabukasan na makamit. Kung hindi lang sana sila naligaw ng landas, maaari pa silang maipagmalaki sa ating lipunan.
Hindi ko din maiwasang makita ang mga kabataang halos wala pang muwang sa mundo. Kabataang bagsak na ang katawan at iba na ang galaw. Mga mata nila ay tumitirik, sila ay lasing at parang nakahithit ng droga.
Gumugulo sa aking isip ang mga tanong na “Ano na ang nangyari?” , Nasaan na ang kasabihan na, “ANG KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN”?
Alam kong tayo ay nagdadamdam. Naiisip natin kung ano nga ba ang tunay nilang dahilan, kung bakit sila nagkaganyan.
Para sa mga kabataang tulad ko na naliligaw ng landas, kung kayo ko lang kayong tulungan at gabayan sa tamang landas,ginawa ko na. Kung kaya ko lang mailayo kayo sa landas ng kasamaan, ginawa ko na. Pero hindi ko kayang gawin ang mga nais kong gawin. Dahil tulad niyo, ako’y isang hamak lang din na kabataan.
Nais ko lang na sa simpleng mensaheng ito ay may matutunan kayo. Huwag ninyong pairalin ang tigas ng ulo, sundin natin ang ating mga magulang. Sa paggamit niyo ng droga at hindi pagsunod sa kanilang mga payo ay nakakasakit sa kanilang damdamin.
Sa mga magulang, patuloy padin po silang gabayan tungo sa tamang landas. Hayaan pong matuto sila sa kanilang pagkakamali, subalit wag po nating hayaan na mauwi sa wala ang inyong mga pinaghirapan.
Mga kabataan, imulat ang inyong mga mata at gumising! Isipin ang mga ninyo ang paghihirap ng inyong mga magulang. Diyos ang gagabay sa inyo at Siya na ang manghuhusga sa mga kamaliang inyong nagawa. Ang magagawa ko lamang ay ipagdasal ang mga kabataang naligaw ang landas.
Heto ang isa pang halimbawa galing sa Takdang Aralin:
Paano Maiwasan Ng Kabataan Ang Droga?
Para sa ating mga ordinaryong mamamayan hinihikayat ko kayo na makibahagi at gawing ang nararapat bilang isang responsableng mamamayan. Umpisahan natin ang pagpapalaganap ng disiplina at takot sa ating mga anak sa loob mismo ng ating bawat tahanan. Ang batang busog sa aral at pagmamahal ng mga magulang ay malayong mapapariwara sa buhay. Huwag nating konsentihin ang mali na nakikita natin.
Ang problema sa droga ay hindi lamang suliranin ng ating gobyerno.Ang bawat isa sa atin ay may obligasyon. Huwag nating hayaan na darating ang panahon na mapapasama ang sinuman sa ating pamilya sa datos ng mga taong lulong at pinapatay ng dahil sa droga. Makuntento na tayo kung ano ang mayroon at huwag maghangad pa ng mga bagay na hindi naman natin kaya.
Mahirap humusga at maging eksperto, dahil sa kung ano ang kadahilanan ng mga nagtutulak at mga adik ay tanging sila-sila na lamang ang nakakaalam. Mag-isip sana tayo kung ano ang ating maitututlong sa ating gobyerno sa halip na maghihintay tayo kung ano ang maibibigay nito sa atin.
BASAHIN RIN: Katangian Ng Talumpati – Halimbawa At Kahulugan Nito