Ano Ang Heograpiya? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Heograpiya? (Sagot)

HEOGRAPIYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng heograpiya at ang mga halimbawa nito.

Ang heograpiya ay nagsimula sa salitang Griyego na “geo” o daigidig at “graphia” o paglalarawan. Kapag pinagsama natin ang dalawang salitang ito, ang literal na kahulugan ng salita ay “ang paglalarawan sa daigdig”.

Ano Ang Heograpiya? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sa ngayon, ang kahulugan ng heograpiya ay ang “siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Samantala, “Heograpo” naman ang tawag sa mga taong nag-aaral ng heograpiya at ang mga katangian nito.

Atin ring dapat malaman na ang heograpiyaay may dalawang sangay:
1. Heograpiyang Pisikal
2. Heograpiyang Pantao

Sa heograpiyang pisikal, ating malalaman ang mga katangian at prosesong pisikal ng daigidg. Samantala, ang heograpiyang pantao naman ay nakatutok sa kung paano namumuhay ang isang pangkat ng tao sa kanyang pisikal na kapaligiran. Kasama na dito ang pag-aaral ng kanilang kultura at tradisyon.

Bukod rito, ang heograpiya at sumasakot sa mga katanungan tungkol sa lokasyon, distribusyon ng tao, lugar sa daigdig, at iba pa. Mayroong dalawang uri ng Lokasyon:

Tiyak na lokasyon – literal na kinaroroonan, minsan ay binabase sa longitude at latitude.

Relatibong Lokasyon – Pagtukoy ng kinaroroonana gamit ang mga lugar na nakapaligid dito (pwedeng maging bisinal o insular).

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Epekto Ng Dinastiyang Politikal – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment