Epekto Ng Dinastiyang Politikal – Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Epekto Ng Dinastiyang Politikal? (Sagot)

DINASTIYANG POLITIKAL – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga epekto ng dinastiyang politikal.

Ang isang pamilya na kung saan mayroong maraming miyembro na nasa posisyong gobyerno ay tinatawag na dinastiyang pampulitka, partikular ng elektoral.

Epekto Ng Dinastiyang Politikal – Halimbawa At Kahulugan

Ang mga miyembro ay maaaring may nauugnay dahil sa dugo o kasal; Kadalasan, maraming henerasyon o maramihang magkakapatid ang makikita sa mga dinastyiang politikal. Maraming epekto ang uri ng dinastiyang ito katulad ng sumusunod:

  • Isang pamilya lamang ang patuloy na namamahala sa isang lugar dahil sa laki ng kanilang impluwensiya at hindi dahil sa serbisyo nila sa mga tao.
  • Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang tao na maglingkod para sa kanilang bayan kahit sila’y may mas magandang plataporma.
  • Ang pag-abuso sa kapangyarihan ng politika para maipa-angat ang miyembro ng kanilang pamilya.
  • Pagbuo ng sariling interes mula sa kapangyarihan.
  • Napapanatili sa isang pangkat lamang ang impluwensiya at kapangyarihan

Isang napaka kontrobersiyal na isyu ang dinastiyang politikal lalo na sa Pilipinas. Sa ating bansa, marami kang makikitang dinastiyang politikal. Halimbawa, sa isang probinsya, kasama ang Gobernador, mayor, at mga alkayde sa isang pamilya.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pangunahing Layunin Ng Edukasyon – Ano Ang Pangunahing Layunin Nito

Leave a Comment