Gumawa Ng Sariling Karunungang Bayan Batay Sa Sitwasyon (SAGOT)
KARUNUNGANG BAYAN – Sa paksang ito, gagawa tayo ng ating sariling karunungang bayan batay sa sitwasyon.
Sitwasyon: May nakilala kang bagong kaklase sa inyong paarlaan. Marami ang naiinis sa kania dahil sa mayabang at suplada niyang imahe para sa iba.
Gusto mo siyang maging kaibigan kaso nag-aalinlangan ka dahil sa sasabihin ng iba mong mga kaibigan. Isang araw, nakita mo siya sa parke na nag-iisa na walang kasama.
Napag-isipan mo na ito na ang pagkakataon na makalapit at makausap siya. Lakas loob mo siya nilapitan at nagkausap kayo.
Nabigla ka sa kaniyang karansan noong bata pa siya at doon mo natanto may rason pala kung bakit hindi magandang asal ang kaniyang pinapakita. Mula noon, naging matalik kayong magkaibigan.
Sariling Karunungang-Bayan:
- “Huwag humusga, kapag hindi mo pa nakilala”
- “Ang panlabas na anyo, ay palaging may tinatago”
- “Maging mabait sa lahat, lagi tayong magugulat”
- “Bigyan ng oportunidad ang iba, na sila’y iyong makilala”
- “lahat tayo’y puwede maging magkaibigan, kailangan lamang subukan”
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kalakasan At Kahinaan Ng Tao Halimbawa At Kahulugan