Mga Halimbawa Ng Pormal Na Sanaysay
PORMAL NA SANAYSAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng pormal na sanaysay.
Ang isang pormal na sanaysay ay naglalaman ng mga wikang ginagmait sa mga seryosong publikasyon. Kadalasan, ang mga ito ay nakikita sa mga aklat at iba pang panitikang akademya.
Bukod rito, ang isang pormal na sanaysay ay nagbibigay sa atin ng mga tunay na datos at walang halong opinyon. Samantala, ang di-pormal naman na sanaysay ay gumagamit ng mga pananalita na parang pinag uusapan lamang. Kasama na rito ang mga pansariling opinyon.
Heto ang mga halimbawa ng pormal na sanaysay:
Maraming nang isyu ngayon tungkol sa ating kapaligiran, pati na rin dito ang polusyon sa kapaligiran. Ang dahilan nito ay ang pagputol ng mga puno at pagtapon ng mga basura sa daan.
At dahil dito nagkakaroon ng global warming. Ano nga ba ang global warming? Ito ang pagpasok ng enerhiya o init ng araw sa mundo.
Isa pang dahilan nito ay ang pagsunog ng mga fossil fuelsna at ito ay nagbunga ng pagbutas ng ozone layer. At ano nga ba ang ozone layer?
Ito ay isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer pumapasok na rin ang init ng arawna nakakasira ng kapaligiran.
Heroismo Ni Rizal at ang Kabayanihan ni Bonifacio
Sa pahayag ni Zeus Salazar, kanyang ikinompara ang kaibahan ng kahulugan sa pagitan ng isang “bayani” at isang “hero”. Gayunpaman, sa aking opinyon, ang dalawang terminolohiya’y malawak ang sakop at hindi magkalayo ang pagkakaiba. Inilarawan ni Salazar na ang isang “bayani” ay matapang at iniisip ang kapakanan ng kapwa at ng bayan bago ang sarili. Samantala, kanya namang inihalintulad ang “heroes” sa konsepto ng mga mayayaman sa kanlurang bahagi ng mundo. Ngunit, ako’y mariing hindi sumasang-ayon sa kanyang paglalathalang ito.
Ang ideyolohiya sa likod ng kanyang pagkakahulugan ng isang “bayani” at isang “hero” ay maituturing na “gatekeeping” sa wikang ingles. At saka, ito’y nagreresulta ng dibisyon sa pagitan ng mga sector sa lipunan sa loob ng rebolusyong Pilipino. Kanyang itinanyag na ang mga “maka-baya, maka-sama, maka-hirap, o kasama ng mahirap” tulad nila Andres Bonifacio at Macario Sakay, at mga ordinaryong katipunero bilang mga “tunay” na bayani. Samantala, ang mga ilustrado, o ang mga napabilang sa marangyang kupunan, ay ginampanan ni Salazar na mga kanluraning konsepto ng bayani o “hero”.
BASAHIN RIN: Sulating Akademiko Halimbawa At Kahulugan Nito
Salamat nakakatulong po ito sa akin bilang magaaral