Ano Ang Quill Pen Sa Tagalog? (Sagot)
QUILL PEN IN TAGALOG – Maraming salita sa Ingles na hindi madaling isalin sa Tagalog kung walang konteksto.
Kaya naman sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng Quill Pen sa Filipino.
Ang isang “quill” ay ang tinik na makikita sa baba ng mga balahibo ng ibon. Ito’y ginagamit ng mga tagasulat bago paman naging laganap ang mga lapis o ballpen.
Ngunit, sa Tagalog, ito’y tinatawag na “Pluma“. Ang salitang ito ay galing sa mga Kastilang sumakop sa Pilipinas. Minsan, tinatawag rin ang Pluma bilang “Plume”, ito ay mahabang balahibo ng ibon na ginagamit bilang dekorasyon o ornamentong sinusuot ng tao.
Pero, ang ginagamit sa pagsulat dati ng mga tao ay ang tinik sa na matatagpuan sa ilalim na bahagi ng isang “plume”. Kaya naman, tinawag itong Pluma.
Ito na rin ang ginamit na pangalan para sa isa sa pinakakilalang libro para sa paksang Filipino na “Pluma”. Maaari nating gamitin ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng salitang ito batay sa konteskto.
Puwede nating sabihin na ang literal na kahulugan ng pluma sa libro ay ang ginagamit ubang magsulat. Subalit, pwede rin nating kunin ang metaporikal na kahulugan ng Pluma – ito ay Panitikan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kaibahan Ng Salawikain At Kasabihan – Halimbawa At Paliwanag