Ano Ang Kahulugan Ng Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa?
KASABIHAN – Isa sa mga pinaka bantog na kasabihan ng maririnig mo sa mga Pinoy ay ang “Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa”.
Sa paksang ito, ating pag-aaralan at ipaliwanag ang kahulugan ng kasabihan. Bukod rito, aalamin rin natin ang literal at talinhagang kahulugan nito.
Simple lamang ang kahulugan ng kasabihang ito. Ito’y nagsasabi na ang ating Diyos ay nagbabantay at gumagabay palagi sa atin. Pero, hindi lamang tayo dapat umasa sa diyos upang magawa ang ating mga gusto. Kaya, “nasa tao ang gawa”.
Katulad lamang yan ng pagdarasal upang lumago ang isang negosyo. Kahit anong dasal mo sa Panginoon, wala pa ring mangyayari kung hindi ka gagawa ng paraan upang ito’y lumago.
Isa rin ito sa mga kahulugan ng kasabihan. Maaari nating sabihin na ang pagdarasal ay isa lamang sa mga kailangan nating gawin upang tayo’y umunlad sa buhay.
Katulad rin ito ng kasabihan sa Bibliya, “Kung bibigyan mo ng isda ang tao, makakakain ito sa isang araw, ngunit kung tuturuan mo ang tao kung paano mangingisda, makakakain ito sa buong buhay niya”.
Sa ganitong paraan, tayo ay maaari tayong humingi ng gabay at lakas mula sa Panginoon upang harapin ang mga problema natin sa buhay. Ngunit, ating tandaan, na tayo lamang ang maaari humarap rito. At, kahit anong hirap at sakit nito, nariyan laman ang Panginoon sa ating tabi at hindi tayo napababayan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Katangian Ng Ama Sa Kwentong “Ang Ama” – Sagot At Paliwanag