Katangian Ng Ama Sa Kwentong “Ang Ama” – Sagot At Paliwanag

Ano Ang Katangian Ng Ama Sa Kwentong “Ang Ama”?

KATANGIAN NG AMA – Sa kwentong “Ang Ama”, nakita natin kung paano nagbago ang Ama sa kwento matapos ang trahedyang nangyari sa kanyang anak.

Subalit, ating kailangang malaman ang iba’t-ibang katangian niya para lubos na maintindihan ang kanyang karakter. Ang “Ama” sa kwento ay ang pangunahing tauhan. Dati, isa itong mapagmahal na tatay para sa kanyang mga anak.

Pero, bigla na lamang ito nalunod sa bisyo ng pag-iinom ng alak. Kaya naman, dapat nating intindihin kung ano kaya ang dahilan ng labis nitong pag-inom. Dito natin malalaman ang tunay na katangian niya.

Katangian Ng Ama Sa Kwentong "Ang Ama" – Sagot At Paliwanag

Kadalasan, umuuwi na galit ang ama galing sa trabaho. Posible nating masasabi na may nangyaring masama sa kanya sa trabaho, kaya humanap siya ng paraan para makalimutan ito, at dito nagsimula ang pag-inom niya.

Dahil sa poot ng Ama, ito’y nalulong sa bisyo ng pag-iinom. Kaya, kapag umuwi ito, ang kanyang mga hinanakit ay pinapalabas niya sa kanyang pamilya. Sa panahong ito, masasabi natin na ang ama rin ay naging makasarili.

Hindi na niya inaatupag ang mga anak niya kahit ilang araw nang gutom. Kanyang sarili na lamang ang iniisip niya.

Ngunit, nang namatay ang kanyang anak na si Mui Mui dahil sa kanya, umiba ang pananaw ng Ama sa buhay. Bumalik ito sa pagiging masipag na empleyado at mapagmahal na tatay. Pero, napuno pa rin ng pagsisisi ang Ama sa kanyang nagawa sa anak niya.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Context Clues Example Sentences – English/Tagalog Context Clues

Leave a Comment