Lumuluha Walang Mata, Lumalakad Walang Paa (Sagot)
BUGTONG β Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang sagot sa bugtong na “Lumuluha Walang Mata, Lumalakad Walang Paa”.
Simple lamang ang sagot sa bugtong na ito β Ballpen o “Pluma”. Ito’y dahil ang ballpen ay “lumuluha” kahit na wala itong “mata”. Ngunit, hindi tubig ang luha ng isang ballpen kundi tinta.
Magkatulad laman sila ng Pluma. Subalit, ang ginagamit dito ay ang matulis na parte ng isang balahibo na sinasawsaw sa tinta.
Pero, isa rin sa mga posibleng sagot sa bugtong na ito ay “ulan”. Ang ulan ay galing sa mga ulap, wala rin itong mata at paa, pero, ito’y lumuluha at lumalakad papunta sa iba’t-ibang lugar dahil sa pag tulak ng hangin.
Ang mga bugtong ay isang halimbawa ng mga karunungang bayan at mahalagang parte ng ating tradisyon at kultura. Maraming bugtong ang nagawa mula pa sa panahon ng ating mga ninuno. Ito rin ay madaling paraan ng pagpapatulin ng ating kritikal na pag-iisip.
Dahil ang mga bugtong ay parte ng ating kultura, dapat natin itong ipagmamalaki at bigyang halaga. Isa sa mga paraan nito ay ang pagpapatuloy sa pag tanong ng mga bugtong, labi na yung mga bugtong ng nakaraan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa Kahulugan