Kahulugan ng Simuno & Pagtukoy Nito sa Pangungusap
KAHULUGAN NG SIMUNO – Narito ang kahulugan ng simuno na isang bahagi ng pangungusap at mga halimbawa nito sa pangungusap.
Ang Filipino ay isa sa mga asignatura na itinuturo simula elementarya hanggang sa kolehiyo. Maraming topiko ang nasa ilalim ng asignaturang ito and kadalasan ay konektado ang bawat isa.
Sa kadahilanang magkakarugtong ang ilan sa mga topikong ito, mahalaga na matutunan ang isang topiko para mas mapadali ang pag-intindi at madaling matutunan ang mga susunod na aralin.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang tungkol sa simuno. Isa ito sa mga pinakamahalagang matutunan sa asignaturang Filipino sapagkat konektado ito sa iba pang mga aralin.
Kahulugan ng Simuno
Ang simuno ay isang bahagi ng pangungusap. Ito ay ang paksa na pinag-uusapan o taga-gawa ng kilos sa pangungusap. Kadalasan, ang simuno ay pangngalan o ngalan ng tao, hayop, bagay, o pangyayari.
Mga Halimbawa ng Simuno Sa Pangungusap
- Ang doktor ay maagang dumating sa ospital dahil sa tawag na natanggap niya tungkol sa kanyang pasyente.
- Sinabi ni Monica na tawagan mo raw si Daniel oras na dumating ka sa bahay niyo.
- Ang mga pagkain na nakahanda sa mesa ay mga paboritong pagkain ng ama ni Fernan noong nabubuhay pa siya.
- Ang aso ni Louis ay nakawala kaya hinanap niya ito.
- Ang Pasko ay isa mga pinaka-aabangan kong araw taon-taon.
- Ang kaarawan ni George ay nagtipon ng kanyang mga naging kaklase noong nasa kolehiyo siya.
- Si Nicolas ay nagulat sa mga naging bintang ng guro sa anak niya.
- Inilabas ng pari ang mga pagkain at ipinamigay ito sa mga mahihirap.
- Pinayuhan ni Henry si Joaquin na huwag nang imbitahin ang kaibigan niya sa pagdiriwang para iwas gulo.
- Si Nelson ang may gawa nang napakagandang proyekto sa sining.
Salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Maari kang mag-iwan ng mensahe, katanungan, suhestiyon, o ano mang komento sa ibaba. Pwede mo ring i-like ang aming pahina sa Facebook at sa Twitter at mag-subscribe sa aming YouTube channel Philnews Ph.
BASAHIN RIN: TUON NG PANDIWA: 7 Tuon Ng Pandiwa, Mga Halimbawa