Pagtalakay sa Kahulugan ng Panaguri & Pagtukoy Nito sa Pangungusap
KAHULUGAN NG PANAGURI – Narito ang gamit ng panaguri, isang bahagi ng pangungusap, at mga halimbawa nito sa pangungusap.
Isa sa mga asignatura na itinuturo mula elementarya hanggang kolehiyo ay ang Filipino. Maraming topiko sa ilalim ng topikong ito at marami sa mga topikong ito ay magkakarugtong.
Sa kadahilanang magkarugtong sila, itinuturo ang isang topiko at kailangang maintindihan ng mabuti upang hindi masyadong mahirapan sa susunod na topiko. Halimbawa nito ay ang tungkol sa panaguri na isang bahagi ng pangungusap.
Ang pangungusap ay parte ng bawat aralin at mainam na alam nating tukuyin kung ano ang panaguri at iba pang mga bahagi nito.
Kahulugan ng Panaguri:
Ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno o sa paksa ng pangungusap. Kadalasan ito ay kilos o isang pandiwa.
Mga Halimbawa Nito sa Pangungusap
1. Binigyan ni Jeffrey ng bulaklak at kuwintas si Loren sa kaarawan nito.
2. Si Timothy ang kumuha ng mga pagkain mula sa sasakyan dahil nasa banyo pa si Richard.
3. Nilagyan ng guro ng palamuti ang silid-aralan upang matuwa ang mga bata sa unang araw ng klase nila.
4. Tumawag raw si Linda kaya maagang umuwi si Mang Carlitos sa kanila.
5. Si Mang Mando ang nag-alok sa magbabarkada na ihahatid niya sila sa pupuntahan nilang pasyalan sa bayan.
6. Tinanggihan ng magkapatid ang gusto ng ama nila na sa kanya na sila tumira pagkatapos ng libing ng kanilang ina.
7. Ang doktor ay nagrekomenda sa pamilya ni Mang Tonyo na magpaalam na sa kanya habang naririnig pa niya sila.
8. Kumain ng maraming mansanas si Jacob kaya sumakit ang kanyang tiyan.
9. Akala ni Tan ay maabutan niya si Samantha sa paliparan pero nakaalis na ito nang dumating siya.
10. Bumili nang maraming pagkain si Aling Mila nang malaman niyang uuwi ang kanyang mga anak sa Pasko.
Salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Maari kang mag-iwan ng mensahe, katanungan, suhestiyon, o ano mang komento sa ibaba. Pwede mo ring i-like ang aming pahina sa Facebook at sa Twitter at mag-subscribe sa aming YouTube channel Philnews Ph.
BASAHIN RIN: TUON NG PANDIWA: 7 Tuon Ng Pandiwa, Mga Halimbawa