“NG” – Halimbawa ng mga Pangungusap na Gumagamit ng “Ng”

Gamit ng “Ng” at Mga Halimbawa ng Pangungusap na Gumagamit Nito

“NG” HALIMBAWA – Narito ang ilang mga halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng pang-ugnay na “ng”.

Pagdating sa mga topiko sa asignaturang Filipino, isa sa mga ito na marami sa atin ay medyo nahihirapan ay pagdating sa wastong gamit ng pang-ugnay na “ng”.

Hindi maikakaila na may mga pagkakataong nagdadalawang-isip tayo kung “nang” o “ng” ang dapat gamitin. Narito ang mga gamit ng pang-ugnay na nang:

  • ginagamit sa gitna ng mga pandiwang inuulit
  • pampalit sa “na at ang”
  • para magsaad ng kilos

Pagdating naman sa gamit ng pang-ugnay na “ng”, ito ay ginagamit sa pang-uring pamilang, sa mga pangalan, para magsaad ng pagmamay-ari, at bilang pananda sa gumaganap ng pandiwa.

“Ng” – Halimbawa ng mga Pangungusap na Gumagamit ng Pang-ugnay Na Ito

… kasunod ng mga pang-uring pamilang:

  • Kumain ng apat na itlog si Raul bago umalis kaninang umaga.
  • Binilhan ni Timothy ng labindalawang-oras ang kanyang nakababatang kapatid sa kaarawan nito.
  • Nilagyan ni Santino ng walong patatas ang ulam na niluluto niya.

… ginagamit sa mga pangalan:

  • Bumili ng sasakyan ang ama ni Anthony para maihatid sila sa paaralan tuwing umaga.
  • Nilagyan niya ng palamuti ang mga bintana ng bahay nila.
  • Kumain ng mansanas ang batang may sakit dahil sinabihan siya ng nanay niya.

… upang magsaad ng pagmamay-ari:

  • Ang bahay ng pamilya ni Quen sa Taguig ay nasunog kahapon.
  • Ang pagmamahal ng mga tao ang dahilan ng pagkapanalo ni Roldam sa halalan.
  • Ang yaman ng mga Gutierrez ay hindi mabilang.

…. bilang pananda sa pandiwa:

  • Inalis ng lalaki ang mga pinta sa sapatos ng kabiyak niya.
  • Binuhat ng mag-ama ang babaeng nawalan ng malay sa gitna ng maraming tao sa palengke.
  • Sumigaw ng malakas si Tonyo nang makitang parating na ang mga pulis.

Pwede ring bisitahin – “NANG” – Halimbawa ng mga Pangungusap na Gumagamit ng “Nang”.

Leave a Comment