Proseso Ng Akademikong Pagsulat ​– Proseso At Halimbawa Nito

Ano Ang Proseso Ng Akademikong Pagsulat? (Sagot)

AKADEMIKONG PAGUSLAT – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano-ano ang mga proseso ng akademikong pagsulat at ang mga halimbawa nito.

Ang akademikong pagsulat ay isa sa mga mahalagang bagay na kailangan nating malamang gawin lalo na kung ikaw ay isang estudyante. Ito rin ay mahalaga dahil sa pamamagitan ng akademikong pagsulat, mabibigyan solusyon ang mga isyung panlipunan.

Pero bago paman tayo sumulat ng isang akademikong sulatin, kailangan nating pumili ng paksa, lumikha ng mga ideya, at bumuo ng detalye galing sa pangunahing ideya natin. Kung ikaw ay isang estudyante, dadaan sa draft at pagtanggap ng kritisismo galing sa mga guro mo ang iyong paksa.

Proseso Ng Akademikong Pagsulat ​– Proseso At Halimbawa Nito

Pagkatapos nito, puwede mo nang i-rerebisa ang paksa. Sunod, kailangan mong gawin ang paglalathala. Kabilang dito ang pag lagay ng komposisyon o sulatin.

Pre-writing – Dito ang pamimili ng paksa at pagkolekta ng impormasyon para sa sulatin. Sunod ang Actual Writing. Nakapaloob dito ang pagsulat ng borador/draft.

Rewriting – Nagaganap dito ang pagrerebisa at pagwawasto at paghahanay ng ideya o lohika. Sunod, kailangan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang paksa ng teksto ng susulatin?
  • Paano ko ilalahad ang mga datos na nakalap upang mabigyan kahulugan ang paksa?
  • Saan at paano makukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa.
  • Ano ang layunin sa pagsulat nito?

Sa pagrerebisa naman, tanungin ulit ang iyong sarili:

  • Tama ba ang mga pangungusap?
  • Malinaw ba ang pagkakalahad ng mga ideya?
  • May pagkakaugnay ba ang mga ideya?
  • Malabo ba ang mga ideya?
  • Angkop ba ang mga salita na ginamit ko?
  • Malinaw ba ang pangkalahatang mensahe?
  • May kaisahan ba ang bawat talataan?

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Kahulugan Ng Baybay – Kahulugan Ng Salitang Baybay

Leave a Comment