Ano Ang Kahulugan Ng Baybay? (Sagot)
BAYBAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng “baybay” at kung saan ito ginagamit.
Depende sa kung saan ka sa Pilipinas, ang baybay ay may iba’t-ibang kahulugan. Ito rin ay minsang tinatawag sa dalampasigan. Ang baybay ang maaari ring maging ispelling ng isang salita.
Samantala, ang Baybayin naman ay isang sina-unang sistema ng panunulat na ginagamit sa Pilipinas bago paman ito sinakop ng mga Kastila. Ngunit, sa modernong panahon, ang salitang ugat na “baybay” ay kadalasang ginagamit upang ilarawan ang “spelling”.
Sa wikang Hiligaynon naman, ang baybay ay kadalasang naglalarawan sa lupang katabi ng dagat. Ang baybayin naman minsan ay naglalarawan sa kabuuan ng lahat ng titik sa isang wika.
Sa paglipas ng panahon ang mga baybay ng salita ay nagbago-bago. Ito ay dahil marami sa mga salitang nasa wikang Filipino ay hiram na salita galing sa mga kultura at wika ng sumakop sa bansa.
Ang modernisasyon ng wika at kultura ay isa rin sa mga dahilan kung bakit nagbago ang baybay ng ibang mga salita. Pero, kailangan rin nating bigyan halaga ang mga pinang galingan ng mga salita dahil parte ito ng ating kultura.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tagpuan sa “Ang Ama” – Mga Tauhan At Tagpuan Ng Kwento