Anak Sa Labas Kahulugan – Eupemismo At Kahulugan Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Anak Sa Labas? (Sagot)

ANAK SA LABAS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng “Anak Sa Labas” at iba pang kaalaman tungkol dito.

Kung sasabihin mo na ang isang tao ay “anak sa labas”, ito ay batang nasilang sa hindi kasal na mga magulang. Kadalasan, tinitignan ang eupemismong ito na hindi kagandahan o hindi mabuti.

Anak Sa Labas Kahulugan – Eupemismo At Kahulugan Nito

Makikita mong ginagamit ang salitang ito upang ilarawan ang anak ng isang tatay o nanay sa kanyang kabet o hindi legal na asawa. Sa Ingles ito ay tinatawag na “illegitimate child”. Ito ay tinatawag na anak sa labas, dahil hindi ito parte ng legal na pamilya.

Ngunit, puwede mo ring tignan ang “anak sa labas” bilang isang literal na bagay. Masasabi mo rin na mayroon kang anak sa labas o anak na nasa abroad (dahil ito ay nasa labas ng Pilipinas). Pero, mas kilala o mas ginagamit ang depinsyon na ang anak sa labas ay hindi legal na anak.

Subalit, may mga pagkakataon rin na hindi maaaring tawagin na anak sa labas ang bunga ng pagmamahalan ng dalawang taong hindi pa kasal. Maari na ang mga magulang ng anak na iyon ay hindi pa kasal ngunit may pagmamahalan ang kanyang mga magulang.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Saan Nakabatay Ang Wika? – Paliwanag At Halimbawa​

Leave a Comment