Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Oyayi? (Sagot)

HALIMBAWA NG OYAYI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na oyayi at ang mga halimbawa nito.

Ang isang oyayi ay tinatawag rin na isang “hele”. Ito ay kadalasang inaawit ng mga ina para mabilis na matulog ang kanilang mga anak. Kadalasang maikli lamang ang mga oyayi at paulit-ulit. Ito rin ay naglalaman ng maraming salitang tugma.

Halimbawa Ng Oyayi – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ginagawa ito dahil may angking kagustuhan ang mga tao sa mga salitang tugma. Ito’y nagiging pundasyon sa pag analisar ng mga “pattern”. Dahil dito, mas madali nating maiintindihan at maaalala ang mga salita at impormasyon.

Heto ang mga halimbawa:

Ili Ili,Tulog Anay – ito ay isang kantang galing sa mga Bisaya tungkol mismo sa pagpapatulog ng ina sa kanyang anak.

Ili Ili,Tulog Anay.
Wala Diri Imong anay.
Kadto tienda bakal papay.
Ili ili, tulog anay.

Sanggol kong anak na giliw

Sanggol kong anak na giliw
Matulog nang mahimbing
Marami akong gagawin
‘Wag mo akong abalahin.

Tahan na bunsong mahal

Tahan na bunsong mahal
Matulog na sa kandungan
Hihintayin ang tatay
Humanap ng kani’t ulam.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Ano Ang Pagbanghay? – Kahulugan At Halimbawa

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Halimbawa Ng Oyayi – Kahulugan At Halimbawa Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.