Bakit Mahalaga Ang Epiko? – Paliwanag At Halimbawa

Bakit Mahalaga Ang Epiko? (Sagot)

BAKIT MAHALAGA ANG EPIKO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga epiko at mga halimbawa nito.

Ang epiko ay isang tulang nag kukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Bukod dito, ang ang pangunahing tauhan ay mayroong mga katangian na higit pa sa ordinaryong tao.

Mahalagang pag-aralan ang epiko sapagkat ito ay nagsasalaysay sa mga kaisipan tradisyon, kultura, literatura, relihiyon, paniniwala, lingguwahe at pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may maraming epiko dahil sa ating likas na kultura.

Bakit Mahalaga Ang Epiko? – Paliwanag At Halimbawa

Bukod rito, ang mga epiko ay nagtataglay rin ng mga positibong aral na puwedeng gamitin bilang gabay sa ating buhay. Hindi man direktang sinasalamin ng mga epiko ang mga pangyayari ngayon, pero ang kaisipan at mabubuting asal ng mga tauhan sa kwento ay maari pa ring nating pag-aralan.

Dahil ang mga epiko rin ay isang uri ng karunungang bayan, ito ay isang instrumento rin ng pagpapanatili ng kultura sa ating bansa. Ang pagsalin ng mga kwentong ito ay nagsimula pa sa sinaunang panahon at naipasa mula henerasyon hanggang henerasyon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN: Ama Ng Maikling Kwento – Sino Ang Ama Ng Maikling Kwento

1 thought on “Bakit Mahalaga Ang Epiko? – Paliwanag At Halimbawa”

Leave a Comment