Ano Ang Kahalagahan Ng Mabuting Pinuno? (Sagot)
MABUTING PINUNO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno.
Ang isang mabuting pinuno ay hindi lamang taong nag-uutos kung ano ang gagawin, kundi marunong ring mamuno sa pamamagitan ng pag gawa para sa kanyang mga sinasakupan. Ang isang mabuting pinuno ay nakapag bibigay ng gabay para sa ikabubuti ng kanilang mga tauhan.
Sila rin ay nagiging “role model” para sa karamihan. Kung anong mga mabuting asal ang ginagawa ng isang lider, sinusunod rin ng mga tauhan niya. Pero, kung wala itong may ipinapakitang magandang asal, gayun rin ang kanyang mga sinasakop.
Ang mga batas at layunin sa isang lipunan ay ginawa para mabigyan tayo ng mapayapang pamumuhay. Kung walang magandang pinuno para ipatupad ang mga batas na ito sa isang positibo at makataong paraan.
Ayon sa isang artikulo galing sa Careertrends, ang isang organisasyon, kahit ano kalakai, ay sumasalamin sa mga personalidad ng kanilang mga pinuno. Kaya, naman kailangan ng mabuting pinuno upang maging mabuti rin ang isang organisasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tauhan Sa Alamat Ng Sibuyas – Mga Tauhan Sa Kwento