Share to Facebook Share to Twitter More...

Sino-sino Ang Mga Tauhan Sa Alamat Ng Sibuyas? (Sagot)

ALAMAT NG SIBUYAS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung sino-sino nga ba ang mga tauhan sa kwentong “Ang Alamat Ng Sibuyas”.

Sa kwentong “Ang Alamat Ng Sibuyas” makikilala natin ang isang batang si “Sibuyan“. Siya ay maiyaking bata kahit na walang ginagawa sa kanya. Kapag ito’y gutom at walang bagong laruan, umiiyak kaagad siya. Bukod rito, kung ayaw niyang maligo, umiiyak rin siya.

Nasa kwento rin ang Diwata ng Luha na nagalit kay Sibuyan dahil peke ang kanyang mga luha at ginagamit lamang upang makuha ang kanyang gusto. Sinumpa nito si Sibuyan na hindi na siya makakaiyak.

Tauhan Sa Alamat Ng Sibuyas – Mga Tauhan Sa Kwento

Sinubukang umiyak ni Sibuyan ngunit walang luhang lumalabas. Pagkalipas ng ilang araw, napansin rin niyang may mga ugat na tumutubo sa kanyang paa at dahan- dahan siyang tumataba.

Isang araw, bigla na lamang na wala si Sibuyan. Hinanap siya ng kanyang magulang at ang mga taong bayan. Subalit, hindi ito nakita. Pero nung bumalik ang mga magulang niya sa bahay, may nakita silang halamang tumutubo.

Tila may tapis na pula, katulad ng pabortiong malong na pula ni sibuyan. Dahil dito, tuwing hinihiwa natin ang sibuyas, lumuluha tayo ng walang dahilan dahil ito ang mga luha ni Sibuyan na hindi na niya mailuha.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pagiging Bayani Sa Paaralan – Paano Mo Ito Maipapakita?

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Tauhan Sa Alamat Ng Sibuyas – Mga Tauhan Sa Kwento". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.