Ano Ang Buod Ng Kwentong “Timawa” Ni Agustin Fabian
TIMAWA – Sa paksang ito tatalakayin natin kung ano nga ba ang buod at mahahalagang aral na makukuha sa kwentong “Timawa”.
Ang Timawa ay sinulat ni Agustin Fabian. Siya ay isa sa mga kilalang Filipinong tagasulat. Bukod sa Filipino, siya rin ay sumusulat ng mga kwento sa Ingles.
Samantala, ang isa sa mga bantog niyang sulat ay ang Timawa. Heto na ang buod ng kwento.
Ang timawa ay nagsasalaysay sa kwento ng isang binatang nagkaroon ng inspirasyon dahil sa masaming pangyayari sa kanila. Si Andres ay galing sa mahirap na pamilya lamang.
Ang ama nito ay nagtatrabaho sa isang hacienda at isang araw, sinama nito si Andres dahil mayroong kapistahan. Mabait ang amo ng tatay ni Andres, subalit ang kanyang asawa ay hindi.
Mataas ang tingin ng kanyang asawa sa sarili at mababa naman ang tingin niya sa mga nagtatrabaho sa hacienda nila. Hinamak si Andres at ang kanyang ama noong sila ay nasa pista. Dahil dito, tinawag sila ng Donya na “Timawa”.
Hindi naunawaan kaagad ni Andres ang salita. Agad naman itong ipinaliwanag ng kanyang ama. Nang malaman ni Andres ang kahulugan, naging inspirasyon niya ito sa pag-aaral ng mabuti upang makaahon sa buhay.
At iyon nga ang ginawa ng bata. Nang siya ay lumaki na, nagtrabaho ito sa Amerika bilang tagahugas ng plato sa isang dormitoryo kasama ang kaibang sina Alice at Billy. Dahil sa kanyang paghihirap, natapos ni Andres and kurso niyang Intermedya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ano Ang Tuwirang Paglalarawan – Halimbawa At Kahulugan