Pagkakaiba Ng Tula At Epiko – Halimbawa At Iba Pa!

Ano Ang Pagkakaiba Ng Tula At Epiko? (Sagot)

PAGKAKAIBA NG TULA AT EPIKO – Ang mga tula at epiko ay malaking parte ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

Ang mga ito ay maaari ring tawagin na “karunungang bayan” dahil sila ay naipasa mula henerasyon hanggang henerasyon. Pero, ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang likhang sining na ito?

Ang mga epiko ay kadalasang mahaba. Ito ay dahil sa pagsasalaysay ng lakbay ng bida para ma talo ang kasamaan. Minsan, ang mga pangunahing tauhan sa mga epiko ay galing sa angkan ng mga diyos o diyosa. Ito rin ay nagsasalaysay nag pakikidigma ng mga mabubuti laban sa mga masasama.

Pagkakaiba Ng Tula At Epiko – Halimbawa At Iba Pa!

Samantala, ang mga tula naman ay maikli lamang kung ikinukumpara sa isang epiko. Heto rin ay gumagamit ng mga salitang magkatugma sa bawat berso at linya. Bukod rito, maari kang makakakita ng tula sa isang epiko, ngunit, hindi mo makikita ang epiko sa isang tula.

Pero, ang isang tula ay maaaring mag bigay ng ideya na galing rin sa isang epiko. Ngunit, hindi nito makukuha ang kabuuang pangyayari na nasasakop dito.

Ang tula ay isang uri ng sining na galing sa mga emosyon at kasanayan ng isang tao. Samantala, ang epiko naman ay galing sa mga mitolohiya ng isang lugar at kultura.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pagbabagong Nararanasan Ng Kabataan Sa Lipunan

Leave a Comment