Ano Ang Mga Pagbabagong Nararanasan Ng Kabataan Sa Lipunan? (Sagot)
PAGBABAGONG NARARANASAN NG KABATAAN – Sa ating lipunan, marami nang pagbabago ang naganap.
Dahil dito, maraming mga pagbabago ang nararanasan ng mga kabataan. Dati, pag sapit ng alas 4 ng hapon, ang mga kabataan ay nagsisilabasan na para mag laro sa kanilang mga kapit bahay. Ngayon, halos umaga hanggang gabi, naglalaro sa mga selpon at kompyuter ang mga kabataan.
Hindi naman ito masamang bagay, nagpapakita lang ito na umangat ng lubusan ang teknolohiya. Dahil dito, marami na ring oportunidad ang mga kabataan na mag-aral ng kahit anong gustohin nila.
Kung pag-iisipan natin ng mabuti, ang mga pagbabagong nararanasan ng mga bata sa ating lipunan ay dahil sa pag angat ng teknolohiya. Ngayon, kahit ano mang impormasyon na gusto nilang hanapin, makikita agad nila sa ilang segundo lamang.
Dahil rin dito, nabibigyan ng plataporma ang mga kabataan para ubusin ang kanilang oras sa paglilibang katulad ng panunood ng mga video sa internet, paglaro, at pag-uusap sa mga kaibigan.
Subalit, marami na rin ang mga oportunidad para sa mga kabataan dahil sa pag angat ng teknolohiya. Marami na ngayong kabataan ang may sariling negosyo, at plataporma upang ipakita ang kanilang mga talento.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pagkakaiba Ng Malikhaing Pagsusulat at Akademikong Pagsusulat