Ano Ang Halimbawa Ng Makabagong Karunungang Bayan?
MAKABAGONG KARUNUNGANG BAYAN – Ang karunungang bayan ay mga aral na ipinasa sa atin ng ating mga ninuno. Subalit, dahil sa modernong panahon, maari na tayong pumasa ng ating sariling karunungang bayan.
Ang mga traditional na karunungang bayan ang mga sumunsunod:
- Bugtong
- Salawikain
- Idyoma
- Kasabihan
- Palaisipan
Subalit, ang mga ideya na nasa mga karunungang bayan na mga ito ay paulit-ulit nang ginagamit mula pa sa mga sinaunang panahon. Samantala, ang mga modernong karunungang bayan naman ay makikita sa mga plataporma katulad ng sosyal medya.
Ang maaring maging halimbawa nito ay ang mga:
- Spoken word poetry
- Sa platapormang ito, maaring magbigay ng kanyang soloobin ang isang tao batay sa kanilang mga karanasan.
- Bilang manonood, makikita mo ang mga aral na napaloob sa mga spoken word poetry na maari mong ipasa sa kahit sino man sa sosyal medya.
- Slogan
- Mula pa sa paaralan, tinuturuan na tayong gumawa ng mga slogan. Subalit, dahil sa pag-angat ng teknolohiya, and mga slogan ay maari na maging digital.
- Ang mga slogan ay maaring maging kasabihan na may isang paksa na kinakampanya.
- Memes
- Ang mga memes ay mga nakakatawang imahe na maiintindihan lamang kung ikaw ay may konteksto sa nangyayari.
- Pero, ang mga memes ngayon ay malaking bahagi na ng “internet culture” at ginagamit na ito hindi lamang sa pagpapatawa, kundi sa pagbibigay impormasyon sa mas malawak na tagapanood.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Karunungang Bayan: Kahulugan At Mga Halimbawa