Ano Ang Porma Ng Abstrak Na Sulatin? (Sagot)
ABSTRAK NA SULATIN – Sa paksang ito, pag-aaralan natin kung ano nga ba ang mga porma ng abstrak na sulatin.
Ang Abstrak na sulatin ay mahalagang bahagi ng isang akademikong sulatin. Ito ang nagsisilbing buod ng mga artikulo, ulat at pag-aaral na binibigay bago pa ang introduksiyon. Ito rin ay matatawag na siksik na bersiyon ng mismong papel.

Ito rin ay may dalawang anyo, o porma – Deskriptibong Abstrak at Impormatibong Abstrak.
Deskriptibong Abstrak
- Inilalarawan sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng akademikong papel.
- Nakapaloob rin dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel
Impormatibong Abstrak
- Inilalarwan sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
- Ito ay mas maikili at kadalasang 10% lamang ng haba ng buong papel.
- Bukod rito, nasa isang talata lamang ang mga ito.
- Ito rin ay bumubuod sa kaligiran, layunin, metodolohiya, at resultang ginamit sa pag kuha ng datos tungkol sa nasulat na papel.
KATANGIAN NITO
- Binubuo ang mga abstrak ng 200-250 na salita
- Ito ay gumagamit ng simpleng pangungusap na madalin maintindihan
- Walang Impormasyong ginagamit na hindi nabanggit sa papel.
- Nauunawaan kung sino man ang mga mambabasa ng akademikong papel.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kaibahan Ng Kasabihan At Kaisipan – Halimbawa At Iba Pa