Kaibahan Ng Kasabihan At Kaisipan – Halimbawa At Iba Pa

Kaibahan Ng Kasabihan At Kaisipan (SAGOT)

KASABIHAN AT KAISIPAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga kaibahan ng kasabihan at kaisipan.

Ang dalawang terminolohiyang ito ay malapit nang magkapareho ang kahulugan. Ngunit, may mga mahahalagang kaibahan ang dalawang ito. Ang kasabihan o “saying” sa Ingles ay isang sinaunang parirala na naglalarawan sa isang ideya na pinaniniwalaan ng nakararami.

Kaibahan Ng Kasabihan At Kaisipan – Halimbawa At Iba Pa

Ito rin ay basi sa mga karanasan at mga natutunan nila sa kanilang buhay. Madalas na sinasabi ang mga ito upang magbigay ng payo o impormasyon sa isang taong nangangailangan ng gabay sa kanyang buhay.

Samantala, ang kaisipan ay naglalarawan sa mga nais ibahagi ng isang indibidwal o grupo sa isang paksa o ideya. Sa simpleng paliwanang, ang kaisipan ay ang iyong posisyon sa isang paksang pinag-uusapan batay sa iyong pag-iisip sa nasabing paksa.

Sa madaling salita, ang pinagkaiba ng dalawa ay ang sakop ng paniniwala. Kung ang kasabihan ay ang pinaniniwalaan ng karamihan, ang kaisipan naman ay nagkakaiba depende sa prinsipyong pinaniniwalaan ng tao na nanggagaling sa karakter na siyang bumubuo ng kanilang pagkatao.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Bakit Kailangan Ang Maikling Kwento – Paliwanag At Iba Pa

Leave a Comment