Bakit Kailangan Ang Maikling Kwento? (Sagot)
MAIKLING KWENTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba kailangan pag aralan ang mga maikling kwento.
Ang bawat kwento ay mayroong aral na puwedeng makukuha. Kahit ang mga kwentong maikli, ay posibleng maglaman ng mga aral na maaari nating dalhin sa buong buhay natin. Bukod rito, nakakatulong rin ito sa kaalaman natin.
Ang mga kwentong ito ay parte na ng ating kultura. Kaya naman, kung ating pag-aaralan ang mga maikling kwento, makakakuha rin tayo ng bagong kaalaman tungkol sa ating tradisyon at kaugalian hindi lamang sa atin kundi pati sa iba’t-ibang bansa.
Kung titignan natin, ang maikling kwento ay hindi ganun kahirap isulat. Pero, ito ay kabaliktaran. Minsan, mas mahirap isulat ang maikling kwento kasi naman mas mahirap ipasaluoob ang mga mahahalagang aral sa isang maikling paksa.
Dahi dito napapaikli ang pagsasalita o pagkukwento o yung tinatawag nilang “bood” o pagpapaikli ng kwento lahat ng importante at mahalagang bagay at detalye ay nandoon.
Sa pag-aaral natin sa maikling kwento, natutunan rin natin kung paano palawakin ang mga matatalinghagang mensahe ng kwento o tinatawag sa Ingles na ellaboration. Ito ay mahalagang kasanayan na kailangan nating matutunan dahil ito ang nagpapakita ng ating pag-uunawa sa kwentong nabasa.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Filipino Sa Macro Skills? – Paliwanag