Bakit Mahalaga Ang Filipino Sa Macro Skills? (SAGOT)
WIKANG FILIPINO – Sa paksang ito, pag-aaralan natin kung bakit mahalaga ang Filipino sa Macro Skills.
Ano ba ang Macro Skills?
Mayroong limang macro skills na kailangan natin malaman, ito ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at kaalaman sa kultura. Mahalaga ang pag-aaral ng wikang Filipino dito dahil kung hindi, magiging mahina ang iyong “macro skills”.
Sa Tagalog, Macro Skills are known as “Makrong Kasanayan”. Ito ay kailangan sa paglinang ng tinatawag nating “pagkatuto” or “thinking” sa Ingles.
Dahil sa pag-aaral ng wikang Filipino, mas madali nating magamit ang macro skills para dahan dahan nating maiintindihan ang ating paligid at ang kulutura natin. Isa ang wika sa importanteng aspeto ng isang kultura.
Pero, kung wala ang limang makrong kasanayan, mahihirapan tayong intindihan ang ating sariling kultura at ang mga pangyayari sa ating kapaligiran.
Ito naman ay tinatawag na Kamalayang Bayan o ang talinong nakaugnay sa kung ano ang meron ka. At dahil sa macro skills, mas madali nating mauunawaan ang mga pangyayari na nasa paligid natin.
Ang wikang Filipino naman ay mahalaga dito kasi tayo ay nasa Pilipinas. Kung mayroong kang macro skills sa wikang Ingles pero wala sa Filipino, mas mahihirapan kang iugnay ang mga nalalaman mo sa pagbasa, pagsulat, pakikinig, at pagsasalita sa kamalayang bayan. Dahil dito, mahihirapan ka ring intindihin ang kultura ng Pilipino.
BASAHIN RIN: Akrostik Tungkol Sa Pamilya – Halimbawa Ng Mga Acrostik Ng Pamilya