Mga Tula Tungkol Sa Quarantine
QUARANTINE – Sa paksang ito, magbibigay kami ng mga halimbawa ng tula tungkol sa nararanasan nating quarantine sa Pilipinas.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay may pinaka matagal na quarantine sa buong mundo. Lampas na sa 170 na araw ang quarantine sa Pilipinas at naabutan na tayo ng “Ber Months”. Heto na ang mga halimbawa ng mga orihinal na tula tungkol dito:
Kailan pa matatapos itong pandemya,
Hanggang kailan pa mag dudusa ang milyung-milyong pamilya.
Kahit walang lumalabas, marami pa rin ang mga kaso,
Kahit na sumusunod, kasalanan pa rin ng mga tao?
Walang hanap buhay, gutom na mga anak,
Quarantine nga naman, pero walang plano na tiyak.
Binebenta ang buhay para sa ekonomiya,
Kaya Kailan pa kaya matatapos itong ating pandemya.
Dahil sa pandemya, kami’y nasa loob ng bahay,
Naghihintay para bumalik sa ayos ang aming buhay.
Ngunit bakit kaytagal na ng ating problema,
Ano ba nangyayari, bulok nga ba ang sistema?
Sinasabing maghintay lamang para sa bakuna,
Ngunit bakit ang daming na punta sa sakuna?
Iyon ang tanong ko sa aking Sarili,
Habang ako’y nasa bahay lamang nagtitimpi.
Anong gagawin ko ngayong quarantine?
walang magawa, walang ring gagawin.
Tulog kain, tulog kain, ito na ang aking buhay,
Lumalaki na ang tiyan at ‘yan na ang tunay.Narito lang ako hindi makalabas,
ngunit alam ko isang araw ito rin ay lilipas,
At sa panahong iyon marami na tayong mga aral,
Kaya sa ngayon, wala munang aangal.
BASAHIN RIN: Kaligirang Pangkasaysayan Ng Pabula – Paliwanag At Iba Pa!