Ano Ang Ambag Ng Karunungang Bayan Sa Kulutra? (Sagot)
KARUNUNGANG BAYAN – Sa pagksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang iba’t-ibang ambag ng karunungang bayan sa ating kultura at kasaysayan.
Malaki ang ambag nito sa ating kultura dahil ang mga ito ay ipinapasa mula pa sa ating mga ninuno. Henerasyon at henerasyon na ang nakalipas ngunit ang mga itinuro ng ating mga ninuno ay nananatili pa rin. Ang isa sa malaking dahilan dito ay ang Karunungang Bayan.
Ito ay may malaking ambag sa kultura ng ating bayan. Subalit wari’y naisasawalang halaga lamang ito. Sabay ng pag usad ng teknolohiya sa dahan dahan ring paglimot ng mga mahahalagang bagay na itinuro pa sa atin ng ating nakaraan.
Subalit, sa dapat nating tandaan na ang mahalaga rin ito hindi lamang sa kulutra, kundi pati sa ating kasaysayan. Ang mga Karunungang Bayan ay naging pundason ng ating pagka-Pilipino. Hindi lamang ito simpleng grupo ng mga salita kundi mga kaalaman na magtuturo sa atin ng leksyon at mga mahahalgang pananaw sa buhay tulad ng salawikain, idyoma, at kasabihan.
Lahat ng mga aral na naipasa sa atin ay kasama na sa ating kulturan at kasaysayan. Milyun-milyong tao na ang natulungan ng mga ito at nag bago ang buhay. Makikita ito sa mga aral na ipinasa rin sa ating ng ating mga magulang dahil isang araw, tayo naman ang mag ku-kwento ng karunungang bayan.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Karunungang Bayan? – Paliwanag At Iba Pa