Bakit Mahalaga Ang Sawikain? (SAGOT)
SAWIKAIN – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga ang sawikain sa ating wika at kulutra.
Para malaman natin kung ano ang kahalagahan ng sawikain, kailangan nating malaman kung ano ang ibig sabihin nito. Kadalasan, sa tuwing tayo ay nagbabasa, marami tayong sawikain na makikita. Ito ay mga idyoma o kasabihan na ang kahulugan ay hindi komposisyonal.
Ang mga sawikain ay grupo ng mga salitang hindi mo dapat kinukuha ang literal nitong kahulugan. Halimbawa:
- Bukas ang Palad = Matulungin
- Amoy Pinipig = Mabango
- Kabiyak ng Dibdib = Asawa
- Butas ang bulsa = Walang pera
- Lantang Gulay = Sobrang pagod
Tinutulungan tayo ng sawikain sa maraming mga bagay na gamit lamang ang kaunting mga salita. Bukod rito, pinapalawak nito at pinapaganda ang ating wika at minsan ay may dala pang katatawanan sa aral na nasa sawikain.
Ang mga sawikain ay nagbibigay rin sa atin ng pagkakataong mag-isip ng mas malawak. Ito rin ay nagbibigay ng artistik na ekspresyon sa mga manunulat o sa wikang ginagamit.
Tandaan, hindi lamang grupo ng salita ang sawikain. Ito ay nagdadala nang mahahalagang mensahe o aral na puwede nating dalhin sa buong buhay natin.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Pangalawang Wika – Iba’t Ibang Halimbawa Nito
Kasi binabalik nito Ang nakaraan