Ano Ang Mga Mahahalagang Konsepto Ng Ekonomiks? (Sagot)
MAHALAGANG KONSEPTO NG EKONOMIKS – Sa paksang ito, ating aalamin ang mga importanteng konsepto ng ekonomiks at ang kahulugan nito.
Scarcity – Ang konseptong ito ang naglalarawan sa kakulangan ng isang produkto. Ang mga pananangkap na ginagamit para sa mga produkto ay limitado lamang. Bukod rito, masasabi natin na ang mga panangkap ay “scarce” kung ang mga gusto ng tao ay nalalamangan ang puwedeng magamit na materyales.

Supply And Demand – Ang merkado ay nahahati sa suplay at demanda ng mga produkto. Kung marami ang suplay at mahina ang demanda, bababa ang presyo ng produktong iyon. Samantala, kung mababa ang suplay at marami ang demanda, tataas ang presyo ng mga bilihin.
Cost and Benefit – Ito ang pagbalanse ng paggamit at pagbili ng mga materyales at ang benipisyong makukuha mo rito. Lahat ng produkto ay merong “cost” at “Benefit”. Halimbawa, kung ikaw ay nasa isang malaking kompaniya at kailangang mong bumili ng materyales para sa isang proyekto, kailangan mong balaneshin ang piniling materyales sa benipisyong makukuha mo rito.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
READ ALSO: Paano Ipinasa Ang Karunungang Bayan? – Sagot At Pagsusuri