Paano Ipinasa Ang Karunungang Bayan? – Sagot At Pagsusuri

Paano Ipinasa Ang Karunungang Bayan?

KARUNUNGANG BAYAN – Sa paksang ito, aalamin natin kung paano nga ba ipinasa ang karunungang bayan sa paglipas ng mga henerasyon.

Noong unang panahon, ang mga tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng mga damdamin at karanasan tungkol sa iba’t ibang bagay sa mundo.

Bago paman na imbento ang teknolohiya na meron tayo ngayon, ipinasa sa atin ng ating mga ninuno ang kanilang karunongang bayan. Ito ang kanilang mga karanasan sa panahon nila. Ipinasa nila ito sa pamamagitan ng pagsulat o pasalita.

Paano Ipinasa Ang Karunungang Bayan? – Sagot At Pagsusuri

Ito ay madalas makikita o maririnig sa mga kwento ng mga nakakatanda sa atin. Makikita rin ito sa mga bugtong, salawaikan, idyoma, kasabihan, at mga palaisipan.

Ang Karunungang bayan ay parte ng panitikan kung saan nagbibigay daan ito para maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.

Bago paman ang Pilipinas sinakop ng mga kastila, meron na tayong sariling kultura na dapat ipinagmamalaki. Isa sa mga paraan ng pagtangkilik sa ating kultura ay sa pamamagitan ng pagpasa ng mga karunungang bayan.

Dahil sa pamamagitan nitong, ating patuloy na mabubuhay ang mga karanasan, kultura, at pamumuhay ng ating mga ninunong Pilipino.

Salamat sa pagbasa! BASAHIN RIN: Mga Bumubuo Sa Talata – Kahulugan At Halimbawa

Leave a Comment