Sino Si Reyna Sima? – Buhay At Kasaysayan Ng Reynang Matapat

Sino Si Reyna Sima? (SAGOT)

REYNA SIMA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung sino nga ba si Reyna Sima, ang Reynang Matapat.

Si Reyna Sima ay isang reynang namuno ng isang kaharian sa kapuluan. Siya ay binantagang Reynang Matapat dulot ng kanyang katapatan, katalinuhan at maayos na pamumuno sa kanyang mga nasasakupan.

Sino Si Reyna Sima? – Buhay At Kasaysayan Ng Reynang Matapat
Image from: Google

Si Reyna Sima ay may angking talino, katapangan at may katangi-tanging kariktan. Ngunit siya mas nakilala dahil sa kanyang katapatan sa mga taong pinamumunuan niya.

Ang kanyang sinasakop na kahiran ay tinatawang na Kutang-Bato. Ngayon, ito ay mas kilala bilang Cotabato. Isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao. Sa pamumuno ni Reyna Sima, tahimik na umunlad at namuhay ng masagana ang mga taga Kutang-Bato.

Dahil isa siyang mabuting lider, mahigpit niyang ipinapatupad ang mga batas. Ang sinumang lumabag sa mga ito ay ipinag-uutos ng Reyna na gawaran ng parusa. Subalit, ang mga parusang ito ay hindi nakasasakit sa tao, kungdi nakakabago katulad lamang ng pagiging magalang, masipag at tapat. Siya rin ay sumikat dahil sa kahigpitan nitong pagpapanatili ng katapan sa kanyang mga opisyal na naglilingkod sa kanyang kaharian.

Maraming aral ang makukuha sa buhay ni Reyna Sima. Sa panahon ngayon mahirap ang maging matapat. Ngunit, kung tayo ay magiging matapat, hindi lamang natin matutulungan ang ating kapwa, kundi pati na rin ang ating mga sarili.

BASAHIN RIN: Pinagkaiba Ng Lipunan Sa Komunidad – Kahulugan At Halimbawa

1 thought on “Sino Si Reyna Sima? – Buhay At Kasaysayan Ng Reynang Matapat”

Leave a Comment