Ano Ang Malthusian Theory? (Kahulugan At Paliwanag)

Ano Ang Malthusian Theory? (SAGOT)

ANO ANG MALTHUSIAN THEORY? – Maraming teoryang akademiko ang ating puwedeng pag-aralan upang madaragdagan ang ating kaalaman sa mga kaganapan sa mundo.

Sa paksang ito, tatalakayin natin ang tinatawag na Teoryang Malthusian. Ito ay isang teoryang tumatalakay sa populasyon ng isang komunidad batay sa matematikal na relasyon ng populasyon sa suplay ng pagkain.

Ano Ang Malthusian Theory? (Kahulugan At Paliwanag)

Ang sumulat ng teoryang ito ay si Thomas Robert Malthus. Naniniwala si Malthus na puwedeng ma kontrol ng isang bansa ang kanilang populasyon bara ma kontrol rin ang balanse ng pagkain sa dami ng tao sa isang bansa.

Ginamit rin ni Malthus ang law of diminishing returns para ma kuha ang pormula ng kanyang teorya. Bukod rito, malalaman rin natin na eksponensyal ang pag dami ng tao. Dahil dito madali lamang mawalan ng suplay ng pagkain.

Bukod rito, maraming tao rin ang mamatay dahil sa pagkawala ng suplay ng pagkain. Pero, ayon sa IntelligentEconomist, posibleng mangyari ang tinatawag na Malthusian catastrophe na magbabalik ng populasyon sa normal at “sustainable” na lebel.

Subalit may mga kritisismo ring natanggap ang teoryang ito. Dahil sa sa globalisasyon, maraming paraan ang isang bansa mabigyan ng suplay ng pagkain ang kanyang mga sinasakop.

BASAHIN RIN: Sino Si Reyna Sima? – Buhay At Kasaysayan Ng Reynang Matapat

Leave a Comment