Opisyal Na Wikang Panturo – Ano Ang Opisyal Na Wikang Panturo?

Opisyal Na Wikang Panturo Ng Pilipinas

OPISYAL NA WIKANG PANTURO – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang opisyal na wika na ginagamit sa panturo sa Pilipinas.

Ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa patuturo at pag-aaral sa mga paaralan at ang wika sa pagsulat ng aklat at kagamitang panturo.

Ayon sa isang report galing sa SlideShare, ang Filipino ay itinakda na opisyal na wika ng panturo batay sa Saligang Batas ng 1987, Art. XIV, Sek.7.

Opisyal Na Wikang Panturo - Ano Ang Opisyal Na Wikang Panturo?

Bukod rito, ang pangkalahatang wika na ginamit sa mga paaralan ang Filipino at Ingles. Subalit, sa pagpasok ng K-to-12 sa Pilipinas, ang “mother tongue” o “unang wika” ay naging opisyal na wika mula Kinder hanggang Grade 3 (Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education “MTB-MLE”).

Isa sa pinaka magandang bahagi aspeto ng Pilipinas ay ang malawakang kultura nito. Dahil rito, napag-isipang bigyan halaga ang dialekto ng iba’t-ibang kultura sa maagang edad.

Dahil watak-watak ang Pilipinas, iba’t-ibang ang pangunahing dayalekto ng bawat pulo. Ito ay dahil sa naiibang kultura ng mga kapuluan sa Pilipinas.

Heto ang mga halimbawa ng mga Dayalekto na itinadhana ng DepEd:

  • Tagalog
  • Kapampangan
  • Pangasinense
  • Chavacano
  • Ilokano
  • Bikol
  • Cebuano
  • Hiligaynon
  • Waray
  • Tausug
  • Maguindanaoan
  • Meranao
  • Ivatan
  • Sambal
  • Aklanon
  • Kinaray-a
  • Yakan
  • Surigainon
  • Ybanag

BASAHIN RIN: Buwan Ng Wika 2020 Kahulugan – Paliwanag At Iba Pa

Leave a Comment