Halimbawa Ng Mga Salaysay Na Pangyayari
SALAYSAY NA PANGYAYARI HALIMBAWA – Ang isang salaysay ang isang kwentong nagpapahayag ng mga magkakasunod na mga pangyayari.
Bukod rito, may simula, gitna, at wakas rin ito, katulad lamang ng ibang mga kwento. May iba’t-ibang uri ang salaysay tulad ng:
- Pangkasaysayan (historical narrative)
- Pantalambuhay (biographical narrative)
- Pakikipagsapalaran (narrative of adventure)
- Paglalakbay (travel narrative)
- Nagpapaliwanag (expository)
- Pampanitikang salaysay
Heto ang halimbawa ng mga maikling salaysay:
Nakitang kong umakyat ng bubong ng kapit bahay ko ang magnanakaw na may suot na puting jersey. Paglabas nya ay may dala na syang bag na puno ng kagamitan. Pagkatapos, sumakay sya ng itim na van na walang plaka at saka umalis.
Habang papunta ako sa paaralan, may nakita akong asong gutom. Pagkatapos, nilapitan ko yung aso para bigyan ng pagkain. Subalit, nung lumapit ako sa kanya, tinahulan niya ako. Kaya naman iniwan ko na lang ang pagkain na ibibigay ko sa kanya malapit sa kung saan siya naka tayo at umalis agad.
Pumunta si Peter sa isang mall malapit sa kanilang lugar para bumili ng groseri. Habang ito ay namimi ng pagkain para sa kanilang bahay, napag-isipan niyang kumuha ng sobrang “junk food” na wala sa kanyang lista. Kaya naman pagdating niya sa cashier, nakitang kulang ang dala niyang pera para sa mga pamili. Matapos ito, iniwan niya na lang ang sobrang junk food at umuwi.
BASAHIN RIN: Kahinaan At Kalakasan Ni Cupid At Psyche (Sagot)