Ano Ang Historyador? (Sagot)
HISTORYADOR – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang tinatawag na historyador at ang mga halimbawa nito.
Ang salitang historyador ay galing sa salitang Espanyol na “Historiador”. Ito naman ay masasalin sa Ingles bilang “historian” o mananalaysay ng kasaysayan.
Isa sa mga pinakabantug na historiador ay si Dr. Jose Rizal. Sa pamamagitan ng kanyang sulat, nailarawan niya ang mga pangyayari sa Pilipinas sa kanyang panahaon.
Heto ang halimbawa ng paggamit ng “historyador” sa isang pangungusap:
Ang isa sa aking mga pangarap ay maging isang Historyador,dahil mahilig akong mag-aral tungkol sa mga pangyayari ng nakaraan at kung paano gamitin ang mga leksyon nito para sa kinabukasan.
Sa dialektong bisaya naman, ang “historyador” ay may hindi mabuting kahulugan. Ito ay dahil ang mga historyador ay kadalasang ginagamit bilang balbal na ang kahulugan ay taong madaldal na palaging may kuwento.
Minsan, ito rin ay ginagamit upang ilarawan ang mga taong mahilig kumalat ng chismis tungkol sa hindi totoong pangyayari. Subalit, ang historyador ay mahalaga dahil sila ang nakabantay sa mga pangyayari sa ating lipunan.
Kung wala sila, hindi natin malalaman ang mga karanasan at paghihirap na naganap noong unang panahon. Dahil sa mga historyador, maaari rin nating pag-aralan ang mga pangyayari sa nakaraan upang malaman ang solusyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.
BASAHIN RIN: Tulong ng Wika Sa Siyensiya – Halimbawa At Iba Pa