Share to Facebook Share to Twitter More...

Mga Prutas Na Puwedeng Gawing Gamot Laban Sa UTI

PRUTAS GAMOT SA UTI – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga prutas na mabisa laban sa urinary tract infection o UTI.

Ang mga prutas ay may iba’t-ibang magagandang epekto sa ating katawan. Nagbibigay sila ng mga bitamina na kailangan para mapalakas ang ating resistensiya at kalusugan.

Prutas Gamot Sa UTI - Mga Prutas Na Mabisa Laban Sa UTI

Heto ang mga prutas na mabisa laban sa UTI:

Berries – Isa sa pinakamainam na mga gamot sa urinary tract infection ay ang mga berries katulad ng cranberry, blueberry at raspberry.

Ayon sa isang artikulo mula sa Everyday Health, ang pag inom ng cranberry juice ay isang mainam na lunas laban sa UTI.

Prutas na may Bitamina C – Ang mga prutas katulad ng lemon at strawberry na puno ng bitamina C ay nakakatulong dahil sa pag pigil ng bakterya. Bukod rito, pinapalakas rin ng bitamina C ang immune system ng isang tao.

Prutas na may D-Mannose – Ayon sa Clean Eat Mag, ang mga prutas na may D-Mannose ay maaring maka tulong sa pag pigil ng UTI.

Ang D-Mannose ay isang uri ng sugar na makikita sa mga prutas katulad ng mansanas, orange, peach, at blueberries. Ito ay may natural na antibiotic at maaring pumigil sa mga impeksyon katulad ng UTI.

Prutas na may Fiber – Kasama sa pag inom ng maraming tubig, ang mga prutas na mayaman sa fiber ay nakakatulong sa regular bowel movement.

Pag wala ito, malaki ang oportunidad ng mga bakterya sa luob ng katawan na kumalat. Dahil rito, inirekomenda ng Norton Health Care ang pagkain ng mga prutas katulad ng saging at mansanas.

Basahin rin: Urinary Tract Infection: Causes, Symptoms, Treatment & Prevention

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Prutas Gamot Sa UTI – Mga Prutas Na Mabisa Laban Sa UTI". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.